Isa lamang ako sa mga milyong milyong ordinaryong tao na nakatira sa probinsya ng Bulacan. Maraming mga bagay ang umuukilkil sa aking isipan kung ano ang meron sa
TESDA. Dito sa aming lugar sa Baliwag meron isang eskwelahan ang accredited ng TESDA, madalas ko makita ang salitang TESDA… TESDA dito… TESDA doon ... Puro TESDA. Alam ko na ito ay isa sa mga ahensya ng gobyerno pero lalo pa nakadagdag sa akin kuryosidad nang mahagip ko ang bagong commercial ng TESDA.
Lahat ng tao, nangangarap makapagtapos ng pag-aaral, makahanap ng magandang trabaho at gumanda ang buhay. At dito ko lang nakita at napatunayan na kanyang ibigay ng TESDA ang mga bagay at pangangailangan ng mga Pilipino lalo’t sinusuportahan ito ng ating Mahal na Pangulo.
Ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ay isang ahensya ng goberyno na kung saan sila mismo ang nagbibigay ng pagsasanay at nag-aalok ng mga technical at vocational course at pati na rin ang training. Isinasagawa nila ito upang paunlarin ang kakayahan at ihanda ang bawat Pilipino sa posibleng pagpasok o makipagsabayan sa paghahanap ng trabaho o makapag simula ng sariling negosyo upang magkaroon ng magandang kinabukasan.
Dahil sa TESDA, may choice ka:
• May CHOICE ka na mamili ng kursong gusto mong kuhanin na ayon sa iyong kakayahan gaya ng mga kursong automotive technology, computer technology, and electronic technology; service courses gaya ng caregiver, nursing aide, hotel and restaurant management; and trades courses gaya ng electrician, plumber, welder, automotive mechanic, diesel mechanic, heavy vehicle operator.
• May CHOICE ka dahil sa TESDA mo lang makikita at mararanasan ang isang “On-hands Training”
• May CHOICE ka dahil sa TESDA, tutulungan ka nila makahanap ng trabaho lokal man o sa ibang bansa.
• May CHOICE ka dahil sa TESDA, tinulungan nito ang bawat Pilipino na paunlarin ang kanilang mga sarili tungo sa hinahangad nilang kaunlaran hindi lamang sa buhay pati na rin sa pagkatao nito.
Kaya hindi rin nakapagtataka na ganon na lamang ang naging papuri ng ating Pangulo sa TESDA dahil marami itong nagawa tulad ng
• 61% ng TESDA graduates na nagtapos ng technical at vocational training ang nabigyan ng trabaho
• Pagpapalakas at pagsasanay ng 9000 workers sa semi-conductor sector at electronic sector, mahigit 1000 workers para sa telecommunications sector at mahigit 2000 na Out of School Youth para sa construction trades.
• Nagbigay ng certificate para sa 55,000 na pampublikong drayber at pagsasanay ng libo-libong mga retailers
Saan ka pa? Dahil sa
TESDA, maari nilang ibigay ang mga bagay na gusto mo makamtan.
DAHIL SA TESDA may CHOICE KA!
Kung gusto ninyo bisitahin ang fanpage nila, i-click lamang ninyo ito: TESDA Fanpage
o ang kanilang website sa www.tesda.gov.ph
Ako ay natutuwa at nagagalak dahil tinanggap ang aking post na isa sa OFFICIAL ENTRY ng TESDA’s “Sa Tesda, May Choice Ka” Blogging Contest.